:]

Friday, October 30, 2009

new version ng penpen de sarapen :D

pen pen de chorvaloo
de kemerloo de eklavoo
hao hao de chenelyn
de big yuten

sfriti dapat iipit
goldness, filak
chumochorva
sa tabi ng chenes

shoyang fula
talong na fula
shoyang fute
talong na mafute

chuk chak chenes
namo uz ek


Thursday, October 29, 2009

PART TWO: buhay artista

nung recess, kasama ko sila She. makikipag kita daw kasi siya kay Chard Abergas ba `yun o ablegas. nakablack daw. tapos may nakita kaming lalake na hindi gwapo na nakablack. sabi ni She, baka `yun daw si Chard. sabi ko, tatanungin ko. kaya nung tinanong ko kung sino, sabi niya "ako si richard, baket?" sabi ko "ai wala lang po, sige" ayun. nakakashock kasi e. di kasi... gwapo. hahaha :D

tapos nung uwian, si toby at chard nasa sm. eh di punta kami ni She sa sm nun. pagdating namin, nagtetext kasi ako nun. biglang sabi ni She "sila toby oh" ako naman tingin kung saan saan `yun pala nasa harap namin sa kabila. tapos sabi ko "sila toby `yun?" tapos sumigaw ako ng "TOBY!" tumingin naman tapos ayun, sila nga `yun.

ang gara nga kasi sinundan pa namin at paikot ikot kami nun. tae sila toby. parang mga bata e. HAHAHA. ang epal. basta natatawa ako nung time na `yun. para kasi talagang bata!

tapos nung nakaupo na kami, grabe. natatawa ako kasi parang ang gara. pag uusapan nila Toby kami tapos naririnig namin. at ilang beses ko pang nadudumihan `yung pants ni Toby. hindi ko nga alam kung nagloloko lang ba siya o seryosong naiinis na siya. asar kasi e. HAHAHA.

nung malapit na kami umuwi. naglabas ng notebook at ballpen si toby. tae, paautograph daw! HAHAHA. autograph daw para kay Von. sabi ko "ano ako? artista?" tawa ako ng tawa nun. tae autograph daw. tapos nilagyan ko lang ng tatlong smiley nun. sabi ba naman ni toby kay chard "hindi naman pirma `yun e, puro smiley lang nilagay niya" haha.

tapos pumirma na talaga ako nun, eh ayaw nila akong ilibre ng inumin. sabi ni she, uwi na daw kami. isama na lang daw `yung notebook. tapos sinundan lang kami nila toby nun. kay chard kasi `yung notebook. sabi ni toby "oi `yung pirma" sabi ni chard "notebook ko `yun!" hahaha.

2nd floor. biglang hinawakan ni toby `yung bag ko. nung pag ikot ko para hindi niya mahawakan. nakakita ako ng mumu! HAHA. joke. kasi `yung lalaki e. may pulbos pa sa mukha. chura naman e nu. tapos nung pag look back ko dun sa lalakeng nabunggo ko. nakatingin lahat ng barkada sa amin. nagulat nga ako e.

1st floor. paalis na talaga kami ni She nun. sabi ni she "punitin mo `yung papel" tapos pinunit ko `yung ma pirma ko. sabi ni toby "ai, pinunit" tapos binigay ni she `yung notebook. tiniklop ko lang `yung papel tapos nilagay ko sa bulsa ko. talagang sinundan pa kami nila chard nun. nung nasa labas na kami, bigla akong nakaramdam ng sakit sa anit ko. `yun pala, binunutan ako ng buhok ni toby! napaka desperado e nu. ang sakit kaya nun. tapos nung sasakay na si She, sabi niya "akin na `yung papel" tapos sumakay na siya.

pagkatapos niyang makasakay. hinanap nila toby kung nasaan `yng strand ng buhok ko. tinakpan ko buhok ko tapos umalis na sa tabi nila. ayoko nang mabunutan nu! hahaha :D

nung nasa kanto na ako, nakikinig ako ng malakas na music nun. nung malapit na ako sa amin, nakarinig ako ng sitsit. ang lakas na ng kanta pero rinig ko pa din `yung sitsit. nung tumingin ako sa kanila, nakatingin silang lahat sa akin e.


tapos ang pinaka masayang nangyari ngayong gabi.
binigyan ako ni papa ng tig 2o pesos na 4ooo. as in ang kapal nung mga 2o. nakakatuwa. pang bday gift ko daw :]


PART ONE: a day with S

Living rosary namin ngayong araw. kaya nasa gym kami. e dahil sa buset ang esma, alternate ang upo, girl boy girl boy. nung nakaupo na ako... tumabi sa akin si N tapos nakatabi ko din si S. N sa left side, S sa right side.

kilala niyo naman si S di ba? HAHAHA. lol.

nung una, hindi kami nagpapansinan. actually, si N lang pinapansin ko nun. nagtanong pa sa akin si N nun.

"oi, ano mas mabigat? isang kilong pako o isang kilang bulak?"

"isang kilong pako"

"weh? parehas lang kayang isang kilo `yun, wala `to!" tapos tawa ng tawa si N. nakakabuset nga e. eto namang si S.

"imba, galing ah" pinag tulungan ba naman nila ako. ampupu.

and then, inirapan ko lang si S nun. ang sama nu :D

nung time din na `yun, absent si En. buset nga `yun e. sabi ko "asan na ba si En? amp" sabi ni S "bakit mo ba hinahanap si En, eh andito naman ako" tinignan ko lang siya nun. "ah, wala kang kasabay sa recess nu?" tinignan ko lang siya nun. "ako. sabay tayo sa recess" tinignan ko lang siya nun. HAHAHA. mapang asar e nu.

may part pa dun na nag uusap sila ni S at N. ako nakatingin lang sa kanilang dalawa. ako kasi nasa gitna nila e. haha.

sabi ni N "hindi ako papasok bukas. blah blah blah" sabi ko "oh? di ka papasok? ang tamad mo naman. tsk tsk" sabi ni N "ano S, `wag tayong pumasok bukas" sabi ko "ang tamad niyo, buti pa ako" sabi ni S "bakit? papasok ka bukas?" sabi ko "ako pa, masipag ako e" sabi ni S "o sige, papasok na din ako para sa`yo" sabi naman ni N "pre, papasok tayo?" sabi ni S "hindi" tapos tawa sila. HAHA

silence.

"tae, ang init" reklamadora e nu. ang init naman kasi talaga e! sabi ni S. "mainit?" sabi ko. "oo"

tapos naghanap ako ng pamaypay. buti na lang meron si Ar. eh di todo paypay ako nun. sabi saken ni S. "akin na `yan, paypayan kita" eh di pinaypayan naman niya ako nun. asar nga e nagugulo ang aking precious hair.

eh tapos, biglang dumating `yung kras ni Ir. biglang nagsalita si Sa na katabi ni S. sabi niya "ui si ano oh" tapos blah blah blah. sabi naman ni S "crush niyo?" sabi ko "ha? eww. yuck. err" sabi niya "sino ba crush mo?" sabi ko "wala" sabi niya "ows? may gwapo oh!" ako naman: "san!? san!?" sabi niya "eto, nasa tabi mo" eh nasa akin `yung pamaypay. tinakpan ko mukha niya ng pamaypay tapos sabi ko "weh? wala naman e. asan ba?" e tinaggal niya `yung pamaypay. "eto oh" sabi ko "ha!? ano? may sinasabi ka? bulag ako e" tawa naman kami nun. hahaha :D

eh nung kinuha ni Ar `yung pamapay. init na init ako. sabi ni S "bukas pala `yung isang electricfan e" tapos binara ko pa siya nun. pahiya naman ako kasi nakabukas nga `yung isa. hahaha sabi ko "ai oo nga nu" sabi niya "pinabukas ko `yan para sa`yo e" sabi ko "OH? e bakit ang layo?" sabi niya "ipapalapit ko `yan mamaya" sabi ko "now na, init e" hahaha.

nung nagsimula na `yung rosary. 2nd mystery to be exact. 11 `yung beads. eh di ba 1o lang `yun? sabi ko "ai baket ganun? 11 `yung tao?" sabi ni S "baket ba?" sabi naman ni N "nakikielam ka. `yan ang bagong rosary ngayon" sabi ko "oh? di nga?" sabi ni N "oo nga" sabi ko "ok" hahaha mapambara e. :D

tapos eto namang si S. binilang ba naman `yung mga tao. ang gago e. gaya gaya sa akin. hahaha :D

may part din dun na ipapakita `yung last supper. si G `yung Jesus dun. sabi niya "isigaw mo nga G, titingin `yan" sabi ko "ikaw muna" sbi niya "mahina ako sumigaw e" sabi ko "bigyan kita sampung piso, isigaw mo pangalan ni G" sabi niya "o sige, pag sinigaw ko pangalan niya liligawan mo ako" tinaasan ko siya ng kilay nun. tapos sabi ko "ligawan kita? lol" tapos tumawa ako nun. hahaha

may pangyayari din na may sinabi si Sa nun. sabi niya "nangangawit ako sa lalake" sabi ko "bakit ka maaawa e nakatali lang naman" sabi ni S "anong naaawa? nangangawit kaya" sabi ko "ay sorry naman. bingi lang" sabi niya "ganda mo sana e. bingi ka lang" sa isip isip ko. atleast maganda! hahaha :D

and then... dumating `yung dc for boys. nakatingin sa amin. akala ko, kay N nakatingin. after ng rosary. tinawag niya si S! tapos after ilang minutes, tinuturo ako ni sir. pinatawag pati ako. T___T sabi sa amin ni sir.

"ANO BA PINAG UUSAPAN NIYO HA? BUONG 1ST MYSTERY HANGGANG 3RD MYSTERY MAGKAUSAP KAYO. KAYA AKO LUMAPIT DAHIL NAGDADALDALAN KAYO. SA BUONG BENCH OH, KAYO LANG DALAWA ANG NAMUMUKODTANGING NAGDADALDALAN"

ai grabe. natakot ako ng bongga nun. di ako makaimik e. hahaha. tinignan ko si S. sabi ko "ano ba gagawin natin?" sabi niya "magkukuskos ng kandila"

habang wala pa sila sir at ma`am, tinanggal ko `yung mga hikaw ko. tapos etong si S, biglang kumuha ng upuan tapos umupo at may space pa. pinalo niya `yung space sa upuan. "oh, upo ka oh" sabi ko "ang tamad mo talaga" sabi niya "kanina pa kaya ako nakatayo" sabi ko "eh di d`yan ka lang" and alam niyo ba. nilagyan lang niya ng space `yung upuan. siguro incase na uupo ako. HAHA. adik.

tapos nung nakatayo na siya. sabi ko "oi, palagay" sabay lagay ko sa pocket niya sa may dibdib. para ngang nagulat pa siya e. sabi ko "hikaw `yun" akala niya siguro ipis or what. haha.

so ayun, inutusan na siya ni sir na magkuskos ng kandila. e wala akong ginagawa. lumapit ako sa kanya, sabi ko "oi, kailangan mo ba ng moral support ko?" tapos parang ewan. feeling ko naasar siya e. kasi sabi niya "hahatiin ko `to para parehas na tayo" hahaha lol

nahiwalay din kami. haha. lol. hiwalay e nu. napunta kasi ako sa may Dc office. nag rosary. putek. nakakatamad mag rosary. hahaha. lahat ng mysteries `yun. joyful, sorrowful, glorious at luminous. buti na lang pagdating ko, tapos na `yung joyful. hahaha

nung natapos na `yung rosary. nauna na akong umakyat. at nasa library lang ako nun. ang lamig kasi e :D tapos nung nasa classroom na ako, english time. pumunta ako ng locker. may tumawag sa akin "lorraine" tingin naman ako sa kanan sa kaliwa `yun pala si S lang pala `yun. nakangiti pa. tinignan ko siya na parang sinasabi ko na 'ano?' tapos sabi niya "wala lang"

pagnagkakasalubong naman kami, sinasabi niya "masaya ba maglinis?" tska basta. nalimutan ko na `yung iba. pero ang pinaka nakakatawa nung lunch. nasa fastfood kami. kasama ni S si N nun. magsyota kasi `yung dalawang `yun e. besprenss. hahaha :D so ayun nga, e may nagtitinda sa may mga candy parang bakla. sabi niya "oh ano, sabihin ko ate?" sabi ko "sige nga, tawagin mo nga siyang ate" tapos lumapit siya dun sa nagtitinda. e lalaki `yun, parang may pagkabakla lang. sabi niya "ATE, PABILI NGA PO NG ANO..." tawa ako ng tawa nun. pati nga si N nagulat na natatawa e. matapos niya bumili, lumapit siya ulit sa akin "oh, pano ba `yan. tinawag ko siyang ate" tawa ako ng tawa nun. di ko kasi inaakala na gagawin niya `yun. wahaha.


as far as i know, `yun lang ang nangyari with S for today. ata. basta. `yun na `yun.. gusto ko lang ikwento. hahaha :D


lalaki :|

*hinga ng malalim*

Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit ‘sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

*tingin sa stars*

Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag nabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?

*tingin sa malayo*

Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max. Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.

Wala tayong magagawa, marami silang alibi. “Hindi pa ‘ko ready eh..”, “Sorry pero I think we should just be friends..”, “Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha..” “Better luck next time na lang muna, okay lang?”, “Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..”, “Para lang kitang kapatid e..”, yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa ‘yon para saten.

*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*

At hindi lang ‘yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.

Sila? Ummm… Teka, isipin ko.

Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*

Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.

*hinga ng malalim*

Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

*hinga ng malalim*
*tingin sa malayo ulit*


At ito pa ang pinakamasaklap.

*singhot*

Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong ‘to, either sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need f*cking space and time muna. Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak.

*iiling*

Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-ooffer sila ng “friendship” kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, “player” na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.

Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?

Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.

Ang mga babae talaga, oo.



Saturday, October 24, 2009

susi :D

Kanina sa guidance. pumunta kami dun kasi ang init sa labas. so ang nasa loob-- ako, si aliet, mich, antonio, noli, neil, nicols, stephen, jethro. tama ba? hahaha. basta sila..

kami nila aliet, mich, ako, antonio at noli.. magkakatabi. katapat namin si stephen. tapos nasa left side namin sila nicols at neil and then sa right si jethro.

tumayo nun si antonio, eh di kami ni Noli ang medyo magkatabi. hahaha. bigla siyang nagsalita:

"Ui, asan `yung susi?" ako naman nagulat. bigla kasing nagsalita.

"ha?" gulong gulo ako n`yan. haha

"`yung susi. `yung nilagay ko d`yan"

"saan?" naghanap naman daw ako nun.

"`yung susi. asan?"

"para saan ba?"

"para sa ano.. para sa puso mo" natawa ako nun. lahat nga kami natawa nung sinabi ni Noli `yun e. hahaha. ang epal niya. nakita ko nga napangiti nun sila stephen. hanep kasi bumanat e. out of no where. akala ko pa naman nun, anong susi `yun. hahahaha :D

Friday, October 23, 2009

bad study habits

  1. The students and teachers will know and understand how these bad study habits affect the grades of the students.
  2. To study the bad habits of the 4th years students may help us know what and how to prevent those bad study habits
  3. It may also help the teachers to know how they can help the students to avoid these bad study habits


Wednesday, October 21, 2009

kilig moments :]

1st.

alam niyo ba `yung storya ng "hi idol"? ano kasi e. sa kanto namin, may gasoline station. eh dun ako dumadaan para medyo shortcut papuntang bahay namin. napansin ko na lang dati, laging may "hi idol" pag dumadaan ako. nitong morning [naks, english] nung naglalakad ako papuntang kanto. may dadaanan kasi akong tindahan nun. nung nasa tapat na ako ng tindahan. nagulat na lang ako ng biglang may nagsalita "HI IDOL" napatingin naman ako nun tapos nakakita ako ng anghel! joke. basta, ang gwapo nung lalaki tapos nakasmile pa siya. napaisip tuloy ako, 'ai, ang gwapo pala nung isa sa mga tumatawag sa akin ng idol' hahaha. napangiti ako nung nakalagpas na ako nun. ewan ko ba! haha


2nd.

may 1st year kasi na gwapo sa amin. Joseth ata name basta. ganyan na `yun. JX na lang. Joseth Xavier De Vera kasi e. [ai, bakit alam na alam ko? haha] kakilala kasi ni Aliet `yun. so ayun, nung uwian. kasama ko sila Enzo, Mc, Aliet, Ris at Rose. papunta kami ng saluysoy. eh dahil sa magwapuhan lang ako, crush ko na kagad. bigla akong naglihi kay JX. sabi ko "tae, gusto ko makita si JX!" eto naman si Aliet, tinuro `yung mga lalaki sa may puno. andun si JX! haha. so ayun, sabi ko "ai, si JX oh. tae. ang gwapo!" pero di ko naman talaga crush, nagagwapuhan lang ako.
Si Aliet, biglang sinabi. "tara, pakilala kita!" sabay hawak sa akin ni MC tapos si Aliet tinawag si JX. nilapitan pa! tapos nakita ko palapit na sila sa amin. tae. nakakahiya! gusto ko nang umalis nun e. peste kasi si Mc. haha. tawa ako ng tawa nun e. sabi ba naman ni Aliet "Oi, si lorraine `yan oh. Lorraine oh" tapos tinutukso nila ako. nung nakita kong nakatingin siya sa akin, ai tae. ang gwapo. HAHAH. sabi ni Aliet, "oi, shake hands kayo" napatingin ako kay JX parang gusto naman niya. ampupu. HAHAH. hindi ko alam kung ano mafifeel ko e. kikiligin ba ako o maiinis. haha. hindi ko naman kasi crush talaga. nagagwapuhan lang. pero nung nakawala ako kay Mc tawa ako ng tawa nun na parang kinikilig na ewan. anbuset. baka akala ni JX crush na crush ko siya. tae,child abuse ako nun no! pero agh. ang gwapo talaga. sa malapitan lalo. tangkad pa. hahahaha. tae


3rd.

kani kanina lang `to. kumanta si Elmo Magalona kasama sila Ely Buendia. `yung kantang higante. ai tae, kinikilig ako habang kumakanta siya. ang gwapo kasi eeeee. tae tae tae. hahaha. `di lang siya marunong pumorma, pero `yung face value naman di ba. hahaha. wala lang. kinikilig lang ako. nakakarelax kasi sa mata `yung mukha niya e. wahaha


tae. BAKIT BA AKO NAGKAKAGANITO? eto ba epekto ng walang boipren? anbilis ko ata kiligin ngayon at magkacrush. ai nako rayne. malala na `yan! hahahaha :D


Tuesday, October 20, 2009

disadvantages.

Disadvantages of having low grades:

  • Discrimination ~ People now a days don`t really like persons who have low grades. Sometimes, they even make fun of those people. That, comes that word discriminate wherein, persons who have high grades make fun of the students who have low grades.
  • Depression ~ some students doesn`t want to have low grades. but for some reasons, they still have that`s why they become so depress that they don`t want to study.
  • Having Inferiority Complex ~ People discriminate students that have low grades, therefore, they become more shy. They don`t want to express themselves anymore because of being afraid of rejection or any thing that is related to it.
  • Angry Parents ~ one of the disadvantage is the angry parents. They will always scold their child that have low grades. They sometimes compare their children to others that have high grades in school. which can lead to the next one.
  • being a rebel ~ students who doesn`t want to study becomes a rebel. They won`t do anything for their grades to get it high. They`ll just make fun of their low grades. which can lead to the last disadvantage.
  • No future ~ low grades means no future. having a consistent low grades in school might affect your future. Companies doesn`t like persons who are not well educated, doesn`t have any degree and doesn`t really study. If a student entered a company which have low grades, it`s 99% that the company will not hire you.



Sunday, October 18, 2009

ako `yun oh.


ako `yung sisiw oh. ako `yun! hahaha. tae talaga si miiselp. papansin. amputek. hahaha. ako `yung sisiw :))


mirror view?


BILLY CRAWFORD




ROB STUMVOLL


magkamukha sila nu? HAHA

Monday, October 12, 2009

si S na namaaaan...

wala kasi akong mablog eh! kaya eto ako, mag bblog na naman tungkol kay S. haha.

here`s the story. Monday ngayon at PE namin. nagPE uniform naman ako pero hindi talaga ako nag pphysical activity dahil naoperahan ako. so ayun, punta kami ng gym at naupo ako dun sa isa sa mga upuan. nagsunuran mga kaklase kong tamad, kasama na si S dun. wala kasi siyang PE. naupo siya sa tabi ko tapos si Ar dun sa tabi niya sa kanan.

nung kaming dalawa lang muna `yung nakaupo, tanong niya sa akin. "kayo pa rin ba ni M?" tinignan ko siya tapos nag ewan lang ako. ayoko kasing pinag uusapan `yun. haha :))

hiniram ko `yung pamaypay ni Ar dahil sobraaaaaaaaang init. so ayun, paypay paypay then dumating si M. sabi niya kasi, gusto niya makita `yung tahi ko sa likod. ayun, pinakita ko sa kanya. epal nga si S kasi gusto din daw niya ipakita. haha.

etong si En, inaya akong lumabas para magsulat. hinawakan ako ni S sa braso sabi niya "`wag, dito lang siya" haha. adik na `yun. buset.


paglabas ko, lumabas din sila. tapos naupo sila dun sa may hagdanan sa may canteen. pumunta ako dun para sa pamaypay, kasi sobrang init nga di ba. umupo na lang din ako katabi si Ar, kawawa e. nag iisang babae dun. haha

bumili si S nun ng frostee, hati sila ni Ar, tapos binibigay niya sa akin `yung frostee niya. ampupu. sabi ko ayoko. tapos sabi sa akin ni Ar "type ka ni S" sabi ko. "oh? ok" haha.

tapos sabi ni sa akin ni Ar. "may gustong tumabi sa`yo" sabi ko "sino?" sabi niya "ayan oh" tapos tumingin siya sa katabi niya which is S. "ano?" sabi ni Ar, "baket?" sabi ko. "oo lang o hindi. aalis ako o hindi" tapos dumila ako. sabi ni Ar "sabi niya (dumila din) hindi ako aalis dito" hahaha. adik.

and then, nagpabili si Ar kay S ng toblerone. bumili naman. uto uto e. tapos nakatingin lang ako kay Ar, nilayo ba naman sa akin `yung chocolate. sabi ko "ayoko niyan. pag chocolate gusto ko, kitkat lang" sabay tawa. eto naman si Ar "oh narinig mo `yun? bigyan mo daw siya ng kitkat" tae. sabi naman ni S "ano ba `yan. binili na nga kita ng sampung index tapos magpapabili ka sa akin ng kitkat" eto naman si Ar "ha? sino ba kausap nito?" sabi ko "ewan ko d`yan" haha. naalala pa niya `yung index. kala ko nalimutan na niya. wahahaha.

eto pa pala. nung binibigay ni Ar kay S `yung wrapper nung toblerone. sabi niya "bahala ka d`yan. di mo na nga ako pinatabi sa kanya papatapon mo pa sa akin `yan" HAHAH. tae. tawa tayo :))


ayun, sharing lang. nalimutan ko na `yung ibang scenes e.


take note:

HINDI KO SIYA GUSTO. haha. may kras akong iba. ;>

sino? hindi ko din alam. hahah :))

basta, gusto ko lang mag feelingera dito. gaya ako sa characters ng tps2 e.

aww!! namimiss ko na si papa Glenn ko! `yung kasal namin tots! :D

bago :]

Saturday, October 10, 2009

laughtrip pics ni miiselp.















hahaha. di ko na nilagyan ng tig iisang caption. tinatamad ako ng bonggang bongga e. hahaha. ang kulit niya e :D

Wednesday, October 7, 2009

kinilig ako pero pramis, hindi ko siya gusto :D

so here`s the story.

nung monday
habang nakikipag usap kay RI. bigla akong tinawag ni IR, sabay sigaw "oi lorraine! hinihingi ni S sken `yung number mo!" e sa bingi akong tao, tanong ko kay RI. "ano daw?" sabi ni RI "hinihingi daw ni S `yung number mo" tumawa ako. "crush ka daw ni S oh" ngiti naman. tapos di na namin pinansin.

tinawag ulit ako ni IR "oi lorraine!! ano? bigay ko ba number mo?" tinignan ko lang sila na parang 'ha?' `yung sinasabi ko. haha. tinawag din ako ni D sabi niya "ui lorraine! tawag ka ni S" sabay turo kay S. tinignan ko si S na di mo alam kung nahihiya ba o hindi. haha

hindi ko na naman masyadong pinansin sila. usap ulit kami ni RI. mga ilang beses din akong tinawag ng mga sira ulo kong kaklase. kakahiya, nag nagsisigawan sila. haha

lumapit sa amin si IR, sabi niya "oi lorraine! ano ba. bibigay ko ba?" sabi naman ni RI, "baket? totoo ba `yun?" sabi naman ni RI, "oo nga. kasi kanina nag uusap kami tapos sabi niya sa akin 'may number ka ba ni lorraine' tapos sabi ko 'bakit?' sabi niya 'maytatanong lang ako tungkol sa fb' sabi ko 'ows, crush mo lang siya e!' tapos di ba tinawag kita para sabihin `yun. nung tatawagin pa lang kita, sabi niya '`wag `wag!' haha. parang ayaw niya paalam" ayun. napatingin naman ako kay S na napatingin din tapos iwas ulit ng tingin. tumatawa lang kami ni RI nun. haha

pumunta ako ng locker then andun si S tska si IR. naglagay ako ng gamit ko sa locker ko tapos nasa likod ko silang dalawa. sabi ni IR "baket ganyan ka makatingin? O.O" tapos "ui lorraine oh, si S" haha. buset talaga tong si IR. haha joke

nung tuesday.
parang wala masyadong nangyari. pero nung kasama ko si IR nung uwian, para pumunta ng canteen. nakita namin si S na nakatayo. sabi ba naman ni IR "oi S, si lorraine oh" tinignan ko lang silang dalawa. tapos nung uuwi na kami, nakasalubong namin sila S. sabi ni IR "oi S, bakit nakangiti ka?" haha. tae talaga. nakakahiya na tuloy. >___<

ngayong wednesday.
lunch time. nanghihingi sken `yung friend kong si JP ng index. e wala akong balak magdala ng index simula nung una, kaya wala akong index. nanghingi na lang ako ng index para sa kanya.

tinawag ko sila N, S, M, J, MC, tska `yung iba. e wala, ayun. nakahanap naman ng index si JP nun kaya ok lang. biglang lumapit sa akin si S. sabi niya "ano ulit kailangan mo?" sabi ko "ha?" sabi niya "index card ba? ilan ba kailangan mo?" tinignan ko lang siya tapos sabi ko "sampu" sabay tawa. umalis sila nung mga prenshipness niya.

eh di si ako. nagreview for ap quiz. ang hirap daw kasi. nang makita ko si S. nandun sa school supplies. and then, napaisip ako. pero imposible naman `yun e.

nung pag akyat nila, lumapit siya sa akin then nakita ko `yung mga index card! bumili nga siya. grabeee. sabi niya "oh, eto na `yung index" sabi ko naman "ai, joke lang `yun!" tapos sabi niya "sige, akin na lang `to"pagpasok niya ng klasrum, napaisip ako. bakit pa siya bumili ng index e di ko naman kelangan at di namin kelangan.

after ilang minutes, nakita ko si JP. siya `yung dapat na bibigyan ko ng index e wala ako. tinawag ko si S. sabi ko "oi, penge index" tapos lumapit siya sa akin. "nasa locker" sabi niya. "ee, ikaw na kumuha" e sa tamad ako e! bakit ba? haha :D sabi niya "tara" sabi ko naman "ikaw na kumuha kasi" sabi niya "ako na nga, sumama ka" sabay hinawakan niya `yung kamay ko "tara na" ayun. no choice, pumunta ako sa may locker niya. haha

binigyan niya ako ng index nun. ang dami niyang binili. haha. takte.

ayun, nagmamadali na kasi ako. medyo kinilig lang ako kasi bumili pa siya ng index. hahaha :D pero di ko siya gusto! pramis :D :D :D


Monday, October 5, 2009

kuya salesman

Nung pumunta kami ng greenbelt. bumili si ate Sheena sa Kashieca. nung una, pagpasok namin. eh di syempre, titignan ko `yung mga bagay bagay dun. nagtaka ako, bakit may picture ni Kris Aquino tas nakita ko na lang sa hanger ng isa sa mga damit `yung kashieca. sabi ko. "ay, kashieca pala `to" tapos tumawa `yung mga sales lady and people. aba, malay ko ba di ba. haha :D

may napili si ate na palda dun, tas sinukat niya `yung large. habang naghihintay, patawa ako ng patawa. wala kasing magawa tska nagtetext lang ako. nang marealize ko na tinititigan ako ni kuya salesman. eh di napatingin ako sa kanya, aba. ngumiti ba naman. haha. ang gwapo :D


e medyo uncomfortable ako dun sa ngiti niya, eh di lumapit ako sa may fitting room tapos nanalamin ako. nakita kong nakatingin siya sa akin tas nakangiti ulit. haha. and then, kinulit ko na lang si ate nung tapos na siya magbihis. sabi mag medium na lang siya. eh di `yun, binigay ni kuya `yung medium size nung palda, habang naghihintay. nagpapatawa na naman ako. tas nakaabang lang sa amin si kuya salesman. naiiritate nga ako kasi nga nakatitig siya sa akin. kahit saan ako pumunta. (kapal!) haha. so ayun, para mawala ang awkwardness ng pagtitig niya. lumapit ulit ako sa salamin, nakatingin na naman siya. then, umupo ako sa tapat ng salamin para hindi siya makita pero nagstep forward siya kaya kitang kita ko ang kanyang mata na nakatingin sa akin. tas bigla siyang nagsalita.. "gusto mo bang umupo? eto upuan" binigyan ba naman ako ng upuan tae. kinikilig ako. haha.

nung nagbayad na si ate, eh di `yun. palabas na kami ng store ng habulin kami ni kuya salesman kasi naiwan ni ate `yung resibo. eh di `yun, exit kami. nakita kong sinundan pa niya kami ng tingin dun sa glass window na katapat nung kashieca store. TAE TALAGA. di ko makakalimutan `yun.


napakilig din niya ako ng ilang minuto ah. i feel my hair getting looooooooooooooooooooooooooooonger. hahahah :D



Thursday, October 1, 2009

Michael Jacksons ghost caught on tape







paksyet talaga.
tinutukan ko pa ng mabuti `yung screen para makita lalo si mj. tae.
muntikan na akong mamatay. hahaha :D